Naging masaya ang mga naunang parte ng libro. Ako lang talaga yung baliw na nag-iisip na hindi yung maayos. Ako ang hindi maayos hindi yung libro. May mga nababasa akong dapat kong sundin pero ako yung hindi tumutupad. Sa mga panahong magulo ang pagbabasa ko, walang ibang dapat sisihin kundi ako.
Masaya yung parte ng pagbabasa kung saan nagsisisi ako sa kamalian ko twing ako yung nakakapansing mali ako. Hindi ko alam eh. May mga bagay talagang alam kong magkakamali ako pero sigr pa din, pipilitin kong kalimutan ang masamang resulta kaya pag nangyari na, hindi ko na maalis yun sa isip ko. Madalas akong hindi patulugin. Naisip ko lang, bakit kaya dapat sana hindi na lang nya 'ko pinapakain di'ba? Para naman walang pagsisisi masyado.
Gusto kong binabasa yung libro pag may mga taong sumisingit na hindi ko inaasahan. May mga characters ng libro na nagpapagalit sakin, may nagpapasaya, at minsan, dumadating sa puntong gusto ka siyang makita sa bawat pahina. Alam kong imposible pero wala naman sigurong masama kung gugustuhin ko yun. Alam kong hindi lahat ng gusto ko pwedeng nasa libro. Kung hindi nya gutong nakasulat sya sa libro ko, yun ang hindi ko mababago.
Masaya ako ngayon sa mga pangyayari sa'kin pwera na lang sa twing may doubts at frustrations sa mga pwede ko sanang nabasa pero pinili kong burahin. Ayos lang yun, panahon na para magbuklat sa susunod na chapter, hindi ko na mabubura ulit ang mga pagkakamaling naiwan sa mga lumipas na pahina. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Walang magagawa. Naiintindihan mo?
Gusto ko sanang ipamahagi ang naging laman ng libro ko sa mga nakalipas na taon. Yung mga pwedeng kapulutan ng aral. Mga katangahang pwedeng itama pag nakwento dahil alam na nila ang gagawin. Ang problema ko, yung gusto kong impluwensyahan, tamad magbasa kaya kadalasan, sinasabi ko na lang sa kanila. Maynapupulot sila minsan, pero tinatapon din nila. Nasa kanila na yun kung pupulutin pa nila ulit yun, basta ako, nabigyan ko na sila ng pupulutin, hindi ko yun pupulutin at ibibigay sa kanila.
Saka na lang ulit.
is├┼ie ^____________________________^

No comments:
Post a Comment